MENTAL HEALTH NG GOV’T WORKERS TUTUTUKAN NG CSC, DOH

SANIB-PUWERSA ang Civil Service Commission (CSC) at Department of Health (DOH) sa mental health ng mga empleyado ng gobyerno na naapektuhan sa pandemya ng COVID-19.

Ayon sa CSC, pormal na sisimulan ng mga ito, katuwang ang DOH, ang paglulunsad ng Mental Health Program (MHP) sa lahat ng tanggapan ng gobyerno upang matulungan ang government servants na naapektuhan sa pandemya.

Magsasagawa umano ng zoom meeting ang dalawang nabanggit na ahensya para sa reorientation ng mga ahensya gobyerno sa CSC Memorandum Circular No. 4, s.2020 kung saan nakapaloob ang mga patuntunan para sa Development of Mental Health Program sa public sector.

Sakop ng nasabing circular hindi lamang ang National Government Agencies, Constitutional Bodies, Government-Owned or Controlled Corporations kundi pati ang State Universities and Colleges, Local Government Units, and Local Water Districts.

Nakabase ang MHP sa Republic Act No. 11036 o Mental Health Act of 2018 na naglalayong tulungan ang mga empleyado ng gobyerno at pribadong sektor na may problema sa pag-iisip.

“The purpose of the Guidelines on the Development of MHP in the Public Sector (CSC MC No. 4, s. 2020) is to promote overall mental wellness and provide an inclusive, conducive, and supportive work environment for all public servants to ensure a healthy and productive workforce,” ayon sa CSC. (BERNARD TAGUINOD)

244

Related posts

Leave a Comment