MINIMUM FARE SA JEEPNEY P13 NA SIMULA OCT. 8

APRUBADO na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagpapatupad ng dagdag na piso sa pamasahe sa traditional at modern jeepney.

Simula sa Oktubre 8 ay magiging P13 na ang minimum fare sa lahat ng jeepney sa bansa.

Inaprubahan ng LTFRB sa ginanap na hearing kahapon ang P1.00 provisional increase sa mga public utility jeepney (PUJ) upang mabawasan ang epektong dinaranas sa mataas na presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Inanunsyo rin ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na provisional fare increase muna ang naibigay dahil isasalang pa sa susunod na hearing sa November 7, ngayong taon ang petisyon para sa P5.00 fare hike at P1.00 taas sa succeeding kilometer.

89

Related posts

Leave a Comment