MURDER SUSPECT NATUNTON NG PNP-PRO5 SA NOVALICHES

“WE cannot give in to pressure or else it will control us.” Ito ang naging pahayag ni PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo matapos na matunton ng kanyang mga tauhan ang tinaguriang Camarines Norte most wanted person sa Novaliches Quezon City.

Ikinonsidera ni P/BGen. Estomo na close case na ang murder case makaraang madakip sa manhunt operation makalipas ang 12 taong pagtatago, ang suspek na si Jose Jalimao Napao, construction worker, residente ng Purok 4, Sitio Canalmacan, Anameam, Labo, Camarines Norte.

Si Napao ay trinabaho ng pinagsanib na puwersa ng PRO5-2nd Police Mobile Force Company-Camarines Norte (lead unit), Labo Municipal Police Station at Quezon City Police Office-Police Station 4, sa direktang pangangasiwa at kontrol ni P/Col. Julius D. Guadamor, Camarines Norte PD.

Ang suspek na nadakip sa #15 Evangelista St., Brgy. San Bartolome, Novaliches, Quezon City, ay nasa pansamantalang kustodiya ng PS4

Novaliches Station, QCPD lock up jail. (JESSE KABEL)

 

2

Related posts

Leave a Comment