NAKIPAGSAKSAKAN, PINAGLAMAYAN

patay

PATAY ang isang lalaki nang makipagsaksakan sa matagal nang kaalitan sa Valenzuela City noong Miyerkoles.

Bangkay na itinanghal si Samuel Repuya, 41, ng Barangay Canumay East, ng lungsod, habang arestado naman ang suspek na si Roberto Galera, alyas “Obet”, 47, ng Barangay Lingunan, Valenzuela City.

Nangyari ang krimen noong Nobyembre 9 sa Acacia St., Barangay Lingunan, kung saan kinompronta ng biktimang sakay ng motorsiklo  ang suspek sa dahil sa dati nilang alitan.

Humantong ito sa mainitang pagtatalo hanggang sa saksakin ni Galera si Repuya.

Gumanti naman ng saksak si Repuya at tumakbo sa bahay ng kapatid.  Isinugod si Repuya sa Valenzuela City Emergency Hospital kung saan siya idineklarng dead-on-arrival dahil sa saksak sa dibdib.

Agad inaresto si Galera matapos malapatan ng lunas, na nahaharap sa kasong homicide. (ALAIN AJERO)

14

Related posts

Leave a Comment