NBI BINABANTAYAN DEPORTATION NI TEVES

TINUTUTUKAN ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagbabalik sa bansa ng pinatalsik na kongresistang si Arnolfo Teves Jr. matapos itong maaresto sa Timor-Leste.

Nauna nang sinabi umano ni Timor-Leste President José Ramos-Horta na nais nitong ma-deport si Teves sa lalong madaling panahon.

Ayon kay NBI Director Medardo de Lemos, sa kanyang pakikipagpulong sa Timorese leader, ipinaabot nito ang kagustuhan na maresolba na sa lalong madaling panahon ang mga kasong kinakaharap ni Teves na nagbibigay-diin naman sa kahalagahan ng mabilis na deportation nito pabalik sa Pilipinas.

Ayon kay de Lemos, nakikipag-ugnayan ang NBI sa Dili authorities para sa pagpoproseso ng deportation ng dating mambabatas sa kabila ng mga naging pahayag ng abogado nito na si Atty. Ferdinand Topacio na baka mga-extend ang pagpoproseso nito.

Pinasalamatan naman ng NBI ang mabilis na aksyon ng gobyerno ng Timor Leste sa pagtulong na arestuhin si Teves na nagtatago sa kanilang bansa.

Si Teves na wanted sa kasong pamamaslang sa karibal sa pulitika na si dating Negros Oriental Gov. Roel Degamo at iba pang indibidwal sa kanilang lalawigan ay inaresto habang naglalaro ng golf sa nasabing bansa.

40

Related posts

Leave a Comment