OFFICIAL WEBSITE NI ISKO INILUNSAD

INILUNSAD ni Aksyon Demokratiko Presidential Bet at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang kanyang official campaign website nitong Huwebes, Nobyembre 25.

Ang campaign website na, “tayosiisko.com” ay pormal na inilabas sa isang virtual meet and greet session kasama ang kanyang mga tagasuporta at ang running mate na si Dr. Willie Ong.

Ang “tayosiisko.com” ay inaasahan na magiging online platform ni Moreno kung saan makikita ang mga impormasyon tungkol sa kanyang pagtakbo bilang presidente.

Pinasalamatan ni Moreno ang kanyang libo-libong mga tagasuporta na dumalo, maging ang running mate na si Ong at senatorial slate ng partido Aksyon Demokratiko via Zoom.

“Maraming salamat lagi sa inyong paghahanda, mga ginagawa simultaneously sa buong Pilipinas. Tuloy-tuloy lang tayo. Lagi tayong diretso sa tao,” pahayag ni Moreno.

“Alam ko, most of you, kayo ang gumagastos. Pera ninyo, pinag-ipunan ninyo, pinaghirapan ninyo, ginagastos niyo sa amin. Oras ninyo, ginagastos ninyo sa amin. Effort ninyo. […] Someday, the only thing that I can do in return ay di ko kayo ipapahiya,” dagdag pa niya. (RENE CRISOSTOMO)

1

Related posts

Leave a Comment