OPERATOR NATUSTA SA BOOM TRUCK, 2 PA SUGATAN

patay

QUEZON – Patay ang isang operator ng boom truck matapos na ang crane nito ay sumabit sa high tension wire sa project site sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Biyernes ng hapon.

Sugatan din ang dalawang kasamang trabahador nito na siyang nasa taas ng lift basket ng crane.

Kinilala ng Sariaya Police ang biktimang namatay na si Jumar Lubon, 27, residente ng Rosario, Batangas.

Sugatan naman ang mga laborer na sina Frederick Formento, 32, at Johnny Sta. Maria, 34, parehong taga Pitogo, Quezon.

Batay sa report ng Sariaya Police, bandang alas-2:10 ng hapon, nagkakabit ang mga biktima ng solar lights sa mga poste sa gilid ng Maharlika Highway sa Barangay Concepcion Palasan nang aksidenteng tumama ang dulo ng crane sa mainline ng Meralco.

Bunsod nito, nakuryente ang tatlong biktima. Isinugod agad ang mga ito sa ospital subalit idineklarang dead on arrival si Lubon.

Napag-alaman din na ang mga biktima ay pawang walang suot na safety gears tulad ng safety shoes, globes, hard hat at iba pa. (NILOU DEL CARMEN)

102

Related posts

Leave a Comment