OVERSTAYING CANADIAN HULI SA PANINIRA NG ARI-ARIAN

INARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang overstaying Canadian dahil sa umano’y paninira ng mga ari-arian sa kanilang subdivision.

Kinilala ni BI Commissioner Norman Tansingco ang dayuhan na si Andrew Clark Stewart, 62, naaresto noong nakaraang Oktubre 18 dakong alas-10:00 ng umaga sa harapan ng kanilang bahay sa Angeles City, Pampanga.

Ayon kay Tansingco, ang pag-aresto ay kasunod ng reklamo na isinampa laban kay Stewart para sa kanyang ‘unbecoming conduct’ sa subdivision kung saan siya nakatira.

“When our officers approached Stewart, he failed to present a valid passport or any identification card. He was then arrested for being in flagrante undocumented,” ani Tansingco.

Si Stewart ay nahaharap sa deportation case dahil sa kasong paglabag sa Philippine Immigration Act of 1940, bunsod ng pagiging overstaying, at undocumented immigrant.

Si Stewart ay kasalukuyan nakakulong sa BI detention center sa Bicutan, Taguig City habang nakabinbin ang deportation proceedings laban sa kanya. (JOEL O. AMONGO)

20

Related posts

Leave a Comment