ARESTADO ang isang 53-anyos na babae at ang kanyang 58-anyos na kinakasama nang makumpiskahan ng P340,000 halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa Caloocan City.
Ibinalibag sa magkahiwalay na selda ang mga suspek na sina Benita Belluco, 53, at Ruben Asuncion, 58, kapwa residente ng Barangay 125, Caloocan City.
Ayon sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling araw noong ng Abril 7 nang dakpin ang magdyowa sa kanilang bahay ng isang undercover cop makaraang paiskorin ng shabu ng mga suspek.
Umabot sa 50 gramo ng shabu ang nasamsam sa mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ALAIN AJERO)
102