P1-M ALAHAS, CASH NG PAWNSHOP NATANGAY NG DAGA-DAGA GANG

PANGASINAN – Tinatayang P1 milyong halaga ng mga alahas at cash ang natangay matapos na sumalakay ang tinaguriang “Daga-daga gang” sa isang pawnshop sa Barangay Poblacion sa bayan ng Mangaldan sa lalawigang ito.

Ayon sa Mangaldan Police, noong Lunes ng umaga nang madiskubre ng mga empleyado ng St. Patrick Pawnshop ang pangyayari.

Batay sa imbestigasyon, dumaan ang mga magnanakaw sa bakanteng lote sa likod lamang ng pawnshop, na konektado sa drainage canal.

Gumawa ang suspek ng tunnel patungo sa ilalim ng pawnshop at saka binutas ang sahig.

Natangay ng mga magnanakaw ang P800,000 na halaga ng mga alahas at mahigit P200,000 cash money. (NILOU DEL CARMEN)

36

Related posts

Leave a Comment