QUEZON – Tinatayang umabot sa P3-milyong halaga ng appliances ang nilamon ng apoy sa nasunog na warehouse sa bayan ng Gumaca sa lalawigan noong Huwebes ng gabi.
Ayon sa report ng Gumaca BFP, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng isang warehouse sa Brgy. Rosario dakong alas-9:30 ng gabi.
Agad sumaklolo ang mga firetruck ng BFP Gumaca at itinaas sa unang alarma ang sunog. Naideklara itong fire-out dakong alas 10:20 ng gabi.
Wala namang iniulat na nasaktan sa insidente habang inaalam pa ng BFP investigator ang pinagsimulan nito. (NILOU DEL CARMEN)
59