P300K pabuya inilaan vs suspek BATA NG TAYTAY MAYOR, PATAY SA PAMAMARIL

RIZAL – Naglaan ng pabuyang P300,000 ang tanggapan ni Taytay Mayor Joric Gacula sa makapagtuturo sa suspek na pumatay sa staff nito kahapon sa bayan ng Taytay.

Ayon sa FB post ng alkalde, binaril at napatay ang kanyang staff na si Fhel Malaqui na tinamaan ng apat na bala mula sa .45 kalibreng baril nitong Huwebes ng umaga sa Obadiah St., Floodway, Brgy. Sta. Ana, Taytay.

Ang pabuya ay upang agad na mahuli ang posibleng nasa likod ng krimen at upang mabatid ang posibleng motibo.

Sinabi ng alkalde na si Fhel ay isang matapat na kawani ng Pamahalaang Bayan ng Taytay at isang political leader ng Development Team.   (ENOCK ECHAGUE)

133

Related posts

Leave a Comment