P81-B KONTRABANDO NASAMSAM NG ADUANA

NADOBLE ng Bureau of Customs (BOC) ang halaga ng kontrabando na kanilang nasamsam ngayong taon kumpara noong taong 2023 ng kapareho ring panahon.

Sa inisyal na pre-year end report ng BOC, umaabot na sa mahigit P81 billion ang mga nasamsam na kontrabando ng Aduana nitong Disyembre 2024 na halos doble ang bilang mula sa nakaraang taon.

Nabatid na noong taong 2023 ay nakapagtala ang Customs ng kabuuang halaga na P43.29 billion.

Ayon kay BOC Intelligence Office Alvin Enciso, mahigit kalahati ng seizure value ay nagmula sa Customs Intelligence and Investigation Service – Manila International Container Port (CIIS-MICP), na may P55 bilyong halaga ng mga nasabat na kontrabando.

Kabilang dito ay ang mga ilegal na droga, vape products, frozen mackerel, luxury vehicles, general merchandise, used clothing, fake items, at iba’t ibang agricultural products.

Ayon sa BOC, nasa kabuuang 1,537 na mga kontrabando ang nakumpiska ng mga tauhan ng BOC ngayong taon na halos dumoble mula noong 2022.

“Two years later, here we are, with results that speak for themselves. Under the visionary leadership of Commissioner Bienvenido Rubio and Deputy Commissioner Deputy Commissioner Juvymax R. Uy, the Intelligence Group has made remarkable strides in performance,” ani Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) Director Verne Enciso.

“From 729 seizures worth PhP24 billion in 2022, we have now, in 2024, achieved an astounding 1,537 seizures with a total value of PhP81 billion—and counting,” dagdag pa ng opisyal.

“Good governance and effective measures against illicit trade have strengthened the organization’s collaborative efforts, enhanced border security, and facilitated smoother trade processes. With this in mind, I encourage you to build upon your progress and conclude the year with renewed dedication as we gear up for more years of excellence,” ani Rubio.

Pinuri naman ni Deputy Comm. Juvy Max Uy ang IG Intelligence Group para sa napakahalagang kontribusyon nito sa pagkamit ng misyon ng BOC na i-secure ang mga hangganan ng bansa mula sa ipinagbabawal na kalakalan at kontrabando at pangalagaan ang pag-unlad ng ekonomiya.

Nanawagan si BOC Commissioner Bienvenido Rubio sa mga opisyal ng intelligence group na panatilihin ang kanilang dedikasyon para sa ikatatagumpay ng kanilang tanggapan. (JESSE KABEL RUIZ)

4

Related posts

Leave a Comment