PAGLILIPAT SA LGUs NG FEEDING PROGRAM PINABORAN

PABOR si Senador Grace Poe sa planong ilipat sa Local Government Units (LGUs) ang feeding program ng pamahalaan na kasalukuyang ipinatutupad ng Department of Education (DepEd) katulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa pahayag, sinabi ni Poe, pangunahing awtor ng Republic Act No. 11037 o ang Masustansyang Pagkain Para sa Batang Pilipino Act, na kapado ng LGUs partikular ang barangay workers sa kanilang komunidad na malaki ang maitutulong sa pagtukoy ng benepisyaryo.

“Ikinagagalak natin ang isinasawang pag-aaral ng Department of Education (depEd) sa implementasyon ng feeding program sa tulong ng LGUs,” ayon kay Poe.

Aniya, bilang pangunahing kumilos sa lugar, kabisado ng barangay workers ang kanilang komunidad na makatutulong sa epektibong pagtukoy ng benepisyaryo at distribusyon.

“Umaasa tayong maipagpapatuloy ang inklusibong konsultasyon sa mga stakeholders upang matiyak na maimpluwensyang programa,” ani Poe.

Sinabi ni Poe na pinakamahalagang tungkulin dit ay makapagbigay ng masustansyang pagkain sa ating mag-aral nang walang humpay.

“Makapagbibigay ng hindi matatawarang pakinabang sa malusog na kinabukasan ang ating pamumuhunan sa nutrisyon ng kabataan,” ayon kay Poe. (ESTONG REYES)

387

Related posts

Leave a Comment