PATAS NA LABAN KAY QUIBOLOY – VP SARA

NAKIISA si Vice President Sara Duterte sa panawagan na pairalin ang batas at katarungan sa mga ibinabatong akusasyon laban kay Pastor Apollo Quiboloy at sa SMNI.

Kamakalawa, nagbigay ng video message si VP Duterte sa ikaanim na araw ng Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally at iginiit na dapat bigyan ng patas na laban si Quiboloy.

Aniya, sa ginagawang pag-uusig ng Kongreso ay mistulang pinatawan na ng guilty verdict si Quiboloy kahit nakabatay lamang ang pagdinig na ito sa mga paratang ng mga testigo.

“Marami sa atin ang naniniwala na ang dinaranas ngayon ni Pastor Quiboloy ay isang pandarahas at hindi patas,” pahayag ng batang Duterte.

Bukod aniya sa hearing na walang patutunguhan ay kabilang din dito ang indefinite suspension ng broadcasting network na SMNI na usapin ng press freedom.

“Hindi biro ang mga pangyayari at mga paratang na ganito. Nararapat lang na mabigyan ng patas na laban at sa tamang korte,” dagdag ni VP Duterte.

257

Related posts

Leave a Comment