3 SUGAROL TIMBOG SA OPLAN GALUGAD

NABULAGA ang tatlong umano’y mga sugarol sa isinagawang Oplan Galugad ng mga operatiba ng Manila Police District – Delpan Police Station 12, habang nag-uumpukan sa Area C, Gate 54, Parola Compound, Barangay 275, Binondo, Manila noong Lunes ng gabi.

Isa sa mga suspek ang nakumpiskahan ng improvised na baril na may isang bala ng .38 kalibreng baril.

Ang mga suspek ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree (PD) 1602 na inamyendahan sa Act 9287 (illegal gambling) habang may dagdag na kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang suspek na si alyas “Ricky”, 47, ng Barangay 20, sakop ng Tondo.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Ness Vargas, station commander, bandang alas-7:40 ng gabi nang madakip ang mga suspek sa nasabing lugar habang nagsusugal ng cara y cruz.

(RENE CRISOSTOMO)

60

Related posts

Leave a Comment