PBBM: PILIPINAS NANGUNGUNA SA PAGBANGON NG EKONOMIYA

IBINIDA ni President Ferdinand R. Marcos Jr. noong Sabado na nangunguna ang Pilipinas sa pagbangon at pagganap ng ekonomiya hindi lamang sa Asia-Pacific kundi sa buong mundo.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa kanyang arrival speech matapos ang kanyang matagumpay na paglahok sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.

“Our WEF engagement has enabled the many leaders and experts in government, in business, civil organization and in the academe that were in attendance to receive the good news that the Philippines is leading economic recovery and performance not only in the Asia-Pacific but also in the whole world,” ani Pangulong Marcos.

“That the Philippines is not only driving economic growth; we are also helping mend the fissures that have fragmented the world of late and doing our part to avert an economic crisis,”  ipinunto pa ng Presidente.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na ang delegasyon ng Pilipinas ay nakapagbahagi ng “aming pananaw at karanasan sa pagiging isang matatag at masisipag na tao – nagkakaisa sa kahirapan at nakatingin sa isa’t isa sa krisis.”

Sa press statement, pinasalamatan din ng chief executive ang kanyang economic team, na binubuo nina Finance Secretary Benjamin Diokno, Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual at Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan.

Pinuri rin ni Marcos si House Speaker Martin Romualdez sa pagsama sa mga high-level dialogues sa WEF.

Samantala sa kanyang pagbisita sa Davos, binigyang-diin ng Pangulo ang mga patakaran ng administrasyon, kabilang ang Philippine Development Plan, ang 8-Point Socioeconomic Agenda, at “iba’t ibang mga patakaran at batas na nagbibigay-pansin sa mga repormang pang-ekonomiya ng Pilipinas na humantong sa ating patuloy na paglago.”

“I took the opportunity as well to consult with our friends and partners in Davos on the sovereign wealth fund as a means for us to diversify our income sources, and to generate various welfare effects to the Filipino people, while recognizing that this is a collaborative work with experts and our lawmakers so that its final form is what we intend it to be,” sabi pa ni Pangulong Marcos.
Nakipagpulong din ang Pangulo sa iba’t ibang lider, kabilang ang WEF Founder at Chairman Emeritus Klaus Schwab, na sinabi ng Pangulo na naging “mahal na kaibigan ng Pilipinas.” (PAOLO SANTOS)

23

Related posts

Leave a Comment