PCG FB ACCOUNT NAREKOBER NA

NAREKOBER na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang official Facebook page na muling na-hack kamakailan.

Ayon sa PCG, dakong alas-9 ng umaga nitong Abril 2 nang tuluyan nang marekober ng Coast Guard Public Affairs Service (CGPAS) ang kanilang FB account.

Ayon kay PCG spokesperson, CG Rear Admiral Armand Balilo, nakipag-ugnayan ang CGPAS sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), sa ilalim ng Department of Information and Communications Technology (DICT), at sa Meta upang magsagawa ng backend operations at i-assess ang security breach.

Nakatakda ring magsagawa ang CGPAS ng panibagong hardware check sa mga IT expert mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), para palakasin ang cybersecurity measures nito.

(JOCELYN DOMENDEN)

23

Related posts

Leave a Comment