Sa pagdedma ng gobyerno sa fuel tax suspension INFLATION RATE PATULOY LOLOBO

ISINISI ng isang lider ng oposisyon sa Kamara sa Pangulo at economic managers nito ang paglobo pa ng inflation rate noong Marso dahil dinedma ng mga ito ang panawagan na suspendihin ang buwis sa langis.

“The country’s inflation rate will further rise and burden the people in the coming months as the Duterte administration continue to ignore calls to suspend collection of excise taxes on oil products,” ani House deputy minority leader Carlos Zarate.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumilis pa ang inflation noong nakalipas na buwan kasabay ang pagtaas ng presyo ng langis at iba pang pangunahing bilihin.
Naitala sa 4% ang inflation rate kumpara sa 3% nuong Enero at Pebrero.

Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na posibleng umakyat pa ang inflation sa buong taon dahil sa geopolitical tensions.

“This may just be the start and hyperinflation is still a possibility as the war in Ukraine continues and  increases in the prices of basic services and commodities are aggravated by this,” ayon kay Zarate.

Naiwasan aniya sana ang paglobo ng inflation rate o galaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin kung nakinig lamang si Pangulong Rodrigo Duterte at mga economic manager nito na suspendihin ang excise tax sa langis.

Dahil dito, muling iginiit ng mambabatas na aksyunan ang problemang ito sa pamamagitan ng agarang paglabas ng ayuda sa mga magsasaka, mangingisda, jeepney, taxi, TNVS at tricycle drivers.
Kailangan din aniyang magpatawag agad ng special session ang Palasyo para maipasa ang panukalang batas na suspendihin ang oil tax at atasan ang local government unit (LGUs) na bilhin ang ani ng mga magsasaka sa mas mataas na presyo. (BERNARD TAGUINOD/RENE CRISOSTOMO)

109

Related posts

Leave a Comment