Sa PH war on drugs PDEA HANDANG MAGSUMITE NG REPORT SA ICC

NAKAHANDA ang mga ahensya ng pamahalaan na isumite sa International Criminal Court (ICC) at iba pang human rights advocates ang datos kaugnay sa kanilang ‘war on drugs’ kabilang na ang nakumpiskang mga ilegal na droga sa bansa.

Nangako ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na magsusumite ng report hinggil sa ‘war on drugs’ sa Pilipinas sa human rights organizations at International Criminal Court (ICC).

“Rest assured that PDEA is ready, willing and able to present any appropriate data related to the national anti-drug campaign when solicited,” ayon sa inilabas na pahayag ni PDEA Director Derrick Carreon.

Ito ay kasunod ng direktiba mula kay Pangulong Rodrigo Duterte sa PDEA na magsumite ng up-to-date report sa volume ng nakumpiskang ilegal na droga partikular na sa methamphetamine hydrochloride o shabu.

Tiniyak ng ahensiya na nakahanda silang ipresenta ang kaukulang mga data na may kaugnayan sa anti-illegal drugs campaign ng kasalukuyang administrasyon.

Magugunitang pinahintulutan ng ICC Pre-Trial Chamber ang Office of the Prosecutor noong nakalipas na taon, na magsagawa ng full-blown investigation sa alegasyong ‘crime against humanity’ laban kay Pangulong Duterte.

Pansamantalang sinuspendi naman ng ICC ang imbestigasyon nito habang ina-assess ng prosekusyon ang scope and effect ng deferral request.

Batay sa claim ng ilang human rights groups, umabot sa 12,000 hanggang 30,000 ang aktwal na bilang ng mga indibidwal na napatay sa kasagsagan ng drug war campaign.

Base sa “RealNumbersPH Year5” na inilabas ng PDEA, nasa 6,235 ang napatay sa isinagawang anti-drug operations. Sinasabing nakapagsagawa sila ng 229,868 anti-illegal drug operations at nasa 331,694 katao naman ang kanilang nadakip. (JESSE KABEL)

199

Related posts

Leave a Comment