INIIMBESTIGAHAN ng mga awtoridad kung dahil sa love triangle o may kinalaman sa pulitika ang paglikida sa isang barangay kagawad sa Socorro, Oriental Mindoro, sa unang araw ng local campaign period.
Kinilala ang pinaslang na barangay official na si Aldrin Magtibay ng Barangay Calucmoy sa bayan ng Socorro.
Ayon sa imbestigasyon, habang nagpapahinga ang biktima sa kanyang kubo ay pinasok ito ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek at pinagbabaril. Pagkaraan ay tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo.
Nagawa pang maitakbo ang biktima sa Grace Mission Hospital, subalit idineklarang dead on arrival ng attending physician sanhi ng mga tama ng punglo mula sa kalibre 9mm baril.
Ayon sa hepe ng Socorro Police na si Maj. Marfredo Dulatre, base sa kanilang pagsisiyasat, walang kulay pulitika ang krimen dahil love triangle ang tinitingnan nilang motibo sa pamamaslang.
98