SIMULA NG LOCAL CAMPAIGN PERIOD, GENERALLY PEACEFUL

MAITUTURING na generally peaceful ang simula ng pagsikad ng local campaign period sa buong bansa para sa 18,023 local posts na pinaglalabanan ngayong May 9 presidential and local elections, ayon sa ulat na nakalap ng Philippine National Police Operation Centers.

Ayon kay Major General Vicente Danao, hepe ng PNP-Directorial Staff, hanggang kahapon ay nanatiling mapayapa ang pagsisimula ng kampanya para sa 18,023 sa local elective positions.

Base sa report mula sa iba’t ibang operation center ng Pambansang Pulisya, wala pa naman silang nakikitang problema o banta na maaaring makagulo sa isasagawang halalan sa Mayo, ani Lt. Gen. Danao.

“There are 18,023 local posts up for grabs while 845 candidates are running unopposed in the May elections,” ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Magugunitang sa Metro Manila ay nagpakalat ang PNP National Capital Region Police Office ng 4,000 tauhan para matiyak na magiging mapayapa ang pagsisimula ng local campaign period.

Ayon kay P/Lt. Col. Jenny Tecson, NCRPO’s public information officer, nakahanda ang kanilang pwersa na mag-deploy pa ng karagdagang pwersa kung kinakailangan.

“As of the present, may mga monitor tayo na nagka-conduct ng kanilang programa at sa ngayon, nakita naman po natin na peaceful pa rin ang aktibidades ng ating mga kandidato,” ani Tecson. “Ang mga activities na ganito ay ina-anticipate natin na, nandyan na rin ang pinaghahandaan kasi baka ito ay… mag-take advantage ang ating kababayan na gumawa ng hindi maganda. ‘Yan ang ayaw nating mangyari,” ayon sa opisyal kaya nagtalaga sila ng bukod na puwersa para tumutok sa criminal elements.

Tiniyak din ng Philippine National Police na paiigtingin nito angkanilang pagbabantay sa posibleng paglabag ng mga kandidato at kanilang mga taga-suporta.

Pinaalalahanan naman ni Interior Secretary Eduardo Año ang mga kandidato na huwag gagamit ng government resources sa kanilang pangangampanya. (JESSE KABEL)

175

Related posts

Leave a Comment