SUNDALO SUGATAN SA NPA SA QUEZON

QUEZON – Sugatan ang isang tauhan ng Philippine Army makaraan ang engkwentro ng mga tropa ng pamahalaan at mga rebeldeng New People’s Army sa Sitio Mabato, Brgy. Pansoy, sa bayan ng San Andres sa lalawigang ito, noong Biyernes.

Sa inisyal report ng San Andres Police Station, nagpapatrolya ang mga tauhan ng 85th IB ng Army kasama ang mga elemento ng 2nd Quezon Provincial Mobile Force Company (QPMFC) ng PNP, nang masabat ng mga ito ang hindi pa matiyak na bilang ng mga rebelde na pinamumunuan ng isang  alyas ka “Unyo/Axel/Elyo/Julio/Mintoy” dakong alas-3:00 ng hapon.

Nagkaroon ng palitan ng putok na ikinasugat ng isang trooper na agad isinugod sa ospital. Hindi naman matiyak ang bilang ng mga sugatan sa panig ng mga rebelde.

Umatras ang mga rebelde habang patuloy naman ang isinasagawang hot pursuit operation ng militar. (NILOU DEL CARMEN)

159

Related posts

Leave a Comment