Tahimik sa mga banat kay VP Sara – Roque ROMUALDEZ, CO MAGKASABWAT?

PINUNA ni dating presidential spokesperson Harry Roque ang tila pagkunsinte nina House Speaker Martin Romualdez at House Committee on Appropriations chairperson Zaldy Co na atakehin si Vice President Sara Duterte ng kanilang mga kasama sa Kamara.

Ayon sa dating tagapagsalita ni ex-president Rodrigo Duterte, hindi dapat hinayaan ng liderato ng Kamara na dikdikin ng Makabayan bloc ang bise presidente kaugnay ng intelligence aty confidential funds nito.

Tila nagtataka rin si Roque kung bakit pinakinggan ni Romualdez ang Makabayan bloc kaugnay sa nasabing usapin.

Sa isyu naman ng inilipat na intelligence fund mula sa Office of the President papuntang OVP noong December 2022, sinabi ni Roque na walang napatunayang korapsiyon dito.

Kahit pa sinasabing ginasta ito ng tanggapan ni Duterte sa loob lang ng 11 araw.

Para naman kay Pastor Apollo Quiboloy na kilalang malapit sa mga Duterte, dapat ay malinaw kay Romualdez ang tunay na pakay ng Makabayan bloc.

“If you’re the Speaker, if you’re for nation-building, you should have discernment about their intentions and objectives. “Maybe they’re just using me for this, etc.” The result is, we saw that there’s no [confidential] fund, it didn’t continue, they succeeded. I’m not saying they deceived him, that they fooled our House Speaker, I’m not saying that.

What I’m saying is, their visit was successful,” mahabang paliwanag ni Quiboloy kaugnay sa naganap na pakikipagpulong kamakailan ng Makabayan bloc kay Romualdez kung saan hiniling nilang alisan ng confidential at intelligence funds ang bise presidente.

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

111

Related posts

Leave a Comment