‘TERORISTA’ NAHULI SA PISTA NG NAZARENO

NAHULOG sa bitag ng Manila Police District – Barbosa Police Station 14 ang isang 43-anyos na top 2 most wanted person dahil sa kasong murder at frustrated murder sa Basilan, nang matunton ito sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Pista ng Nazareno sa Quiapo, Manila.

Kinilala ang suspek na si Lajid Jayanna y Mustamin, may asawa, jobless, tubong Sumisip, Basilan, at umano’y kasapi ng Yakan ethnic group at nanunuluyan sa Maharlika Village, Taguig City.

Ayon sa impormante, ang suspek ay sangkot sa iba’t ibang krimen kabilang ang mga karumal-dumal na gawain.

Kasapi rin umano ito sa mga teroristang grupo sa Mindanao base sa naberipika ng intelligence community.

Ang suspek ay nagtago umano sa Metro Manila ngunit namataan ng mga tauhan ng MPD sa Quiapo, Manila.

Sa bisa ng arrest warrant, inaresto ang suspek ng mga tauhan ng District Investigation Division ng Quezon City Police District (QCPD- DID), Station Intelligence Unit, Warrant and Follow-Up Section ng Station 14, at Tactical Motorized Rider Unit (TMRU), sa panulukan ng Elizondo at Arlegui Street sa Quiapo. (RENE CRISOSTOMO)

28

Related posts

Leave a Comment