QUEZON – Dead on the spot ang isang tricycle driver matapos na tadtarin ng saksak ng kanyang magdamag na kainuman sa bayan ng Unisan sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktimang si Jennifer Gulifardo Basco, residente ng Barangay Ilayang Cabulihan, Unisan, Quezon.
Ayon sa report ng Unisan Police, nangyari ang insidente dakong alas-4:00 ng madaling araw noong Martes matapos ang halos magdamag na inuman ng biktima at ng suspek na si Michael Custodio Amandy, 36-anyos, caretaker ng farm.
Dahil parehong lasing, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa tungkol sa isang nakaraang pangyayari.
Nauwi ito sa mainit na pagsasagutan hanggang magbunot ng itak ang suspek at sinaksak ng 11 beses ang biktima. Hindi na naisugod sa ospital ang biktima na namatay noon din.
Naaresto naman ng mga pulis ang suspek na nahaharap sa kasong murder.
Ayon sa mga saksaki, hapon pa lamang noong Lunes nang magsimulang mag-inuman ang dalawa. (NILOU DEL CARMEN)
