TSERMAN PATAY, MISIS SUGATAN SA LEYTE AMBUSH

LEYTE – Patay ang isang barangay chairman habang sugatan ang misis nito matapos pagbabarilin ng hindi kilalang riding in tandem gunman habang sakay ng multicab sa Sitio Laray, Brgy. Naghalin, sa bayan ng Kananga, sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng tanghali.

Kinilala ng Kananga Police ang napatay na si Raul Cosinillo, 56-anyos, chairman ng Brgy. Mataloto, sa bayan ng Leyte sa Leyte province.

Sugatan naman at nilalapatan ng lunas sa ospital ang misis nito na si Mercedes Cosinillo, 56-anyos.

Batay sa imbestigasyon ng Kananga PNP, minamaneho ng kapitan ng multicab at sakay ang kanyang misis nang tambangan ng mga suspek.

Agad na nalagutan ng hininga ang kapitan habang mabilis na isinugod sa ospital ang ginang. (NILOU DEL CARMEN)

135

Related posts

Leave a Comment