VP SARA PASASAGUTIN SA ‘KILL ORDER’

IPATATAWAG ng National Bureau of Investigation (NBI) si Vice President Sara Duterte habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang gobyerno ukol sa “kill order” ng huli laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa press briefing sa Malakanyang nitong Lunes, sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na nagsimula na ang ahensya ng pag-iimbestiga nito sa ‘online threat’ ni VP Sara.

Sinabi ni Santiago na hiniling na ng NBI sa social media giant na Facebook na ipreserba at ingatan ang video para sa nagpapatuloy na imbestigasyon, sinasabi pa na ang video ay authentic at hindi AI (artificial intelligence)-generated.

Ayon naman kay Justice Undersecretary Jesse Andres, mamadaliin ang imbestigasyon at haharapin ng may “full force of the law,” lalo pa’t ang banta ay may kinalaman sa buhay ng isang pinakamataas na opisyal ng Pilipinas.

“Gagawin po ng NBI ang lahat ng hakbang para matunton ang identity nito (umano’y assassin), kasama ang pag-issue ng subpoena kay Vice President Sara na humarap sa NBI para bigyang kaliwanagan ang kanyang mga pananalita,” dagdag na wika nito. (CHRISTIAN DALE)

51

Related posts

Leave a Comment