CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Cavite police hinggil sa natagpuang bagkay ng isang lalaki sa likod ng isang jeepney sa Bacoor City noong Linggo ng umaga.
Kinilala ang biktimang si alyas “Mcdo”, ng Brgy. 3, Bacoor City, Cavite.
Ayon sa ulat, isang concerned citizen ang nadaanan ang bangkay ng lalaki sa likod ng isang nakaparadang jeepney sa tabi ng kalsada sa Buhanginan, Greenvalley, Brgy. Molino 3, Bacoor City Cavite, bandang alas-5:00 ng umaga.
Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya na may dugo sa ulo ang biktima.
Inaalam pa ang sanhi ng pagkamatay nito habang nagsasagawa ng backtracking ang pulisya sa CCTV malapit sa lugar.
(SIGFRED ADSUARA)
96
