ITO ang ginawang pagtiyak kahapon ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP chief, Police General Benjamin Acorda Jr., hindi pa rin nilulubayan ng ilang tracker ng pambansang pulisya ang paghahanap kina dating Bureau of Corrections (BuCor) chief, Gerald Bantag at dating BuCor deputy officer Ricardo Zulueta.
Mahigit isang taon na ang nakalipas, sina Bantag at Zulueta ang sinasabing utak sa pagpaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid noong Oktubre 2022 at sa whistleblower inmate na si Jun Villamor.
Sinabi ni Acorda, umaasa ang Pambansang Pulisya sa positive development ng kaso ni Lapid.
Sadya lamang umanong madulas ang dalawang suspek subalit patuloy ang isinasagawang manhunt operations ng mga awtoridad lalo na’t mayroong nakabinbing warrant of arrest laban kina Bantag dahil sa kasong murder.
Nabatid na sa ilalim ng Marcos administration, apat na mga mamamahayag na ang pinatay na kinabibilangan nina Rey Blanco, Percival “Percy Lapid” Mabasa, Cresenciano Bunduquin at si Juan Jumalon na brutal na pinatay nitong nakalipas na Linggo sa Calamba, Misamis Occidental.
(JESSE KABEL RUIZ)
210