BAR PASSER NA PULIS BAGONG PD NG RIZAL PNP

PORMAL nang inilipat kay Police Colonel Eleazar Barber Jr. ang pamumuno sa Rizal Police Provincial Office (PPO) mula kay Police Colonel Feloteo Gonzalgo sa isinagawang turnover ceremony kamakailan.

Kabilang si Barber sa mga bagong abogado na nakapasa sa Bar examinations na pinangasiwaan ng Korte Suprema.

Umaasa ang ilang residente at stakeholder sa Rizal na mas mapalalakas ang pagsunod sa due process at legal na operasyon ng kapulisan sa ilalim ng pamumuno ni Barber.

Bago ang kanyang pagkakatalaga, nagsilbi si Barber bilang hepe ng seguridad ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at namuno rin sa Regional Police Security and Protection Unit 2 na nakabase sa Cagayan Valley.

Sa unang bahagi ng kanyang panunungkulan, nakapagtala ang Rizal Police ng pagkakaaresto sa limang most wanted persons sa rehiyon.

Ayon kay Rizal Governor Nina Ricci Ynares, may dahilan ang mga Rizaleño upang maging positibo sa bagong pamunuan dahil sa karanasan ni Barber bilang tagapagpatupad ng batas at bilang abogado.

Isa sa mga hamon na kinakaharap ng bagong hepe ang pagpapanatili ng kapayapaan, mabilis na pagresolba sa mga krimen, at pangangalaga sa integridad ng kapulisan sa lalawigan.

(NEP CASTILLO)

4

Related posts

Leave a Comment