BARANGAY CAPTAIN NILIKIDA SA CAGAYAN

CAGAYAN – Isang barangay chairman ang nilikida ng riding in tandem sa bayan ng Tuao, Lunes ng umaga.

Dead on arrival sa pagamutan ang biktimang si Dante Blanza, 61, chairman ng Barangay Santo Tomas sa nasabing bayan.

Lumitaw sa inisyal na pagsisiyasat ng Tuao Police Station, papunta sa opisina ng Department of Agriculture sa Tuao West ang punong barangay sakay ng motorsiklo habang angkas ang isang barangay kagawad.

Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente partikular sa kahabaan ng national road sakop ng Barangay Bicok, nang dikitan ng sumusunod na motorsiklo.

Pagtapat ay biglang nag-overtake nang bahagya ang sumusunod sa kanila na motorsiklo saka nagpaputok ng baril ang isang sakay nito.

Tinamaan ng bala sa dibdib ang biktima na naitakbo sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival. Pinalad namang hindi nahagip ng bala ang angkas na kagawad. (JESSE KABEL)

173

Related posts

Leave a Comment