BARANGAY UGNAYAN IDINAOS NG MPD- STATION 3

NAGLUNSAD ng diyalogo at ugnayan sa nakasasakop na mga barangay sa area ng Sta. Cruz na may temang may kaugnayan sa kriminalidad lalo na sa ipinagbabawal na droga, sa pangunguna ng bagong station commander ng Manila Police District – Station 3 noong Sabado ng hapon.

Pinangunahan ni P/Lt. Col. Jonathan “Jojo” Villamor, station commander, ang Ugnayan sa Barangay na pinamunuan ni Zone Chairman Irene Benito at ang lahat ng mga punong barangay na sumasakop sa Sta. Cruz, Manila.

Napuno ang buong kalye ng Zone 35 sa nasabing lugar bandang alas-5:00 ng hapon dahil bukod sa mga punong barangay na dumalo, ang mga kagawad ng bawat barangay ay naroon din gayundin ang mga residente sa iba’t ibang lugar na sakop ng Distrito II.

Isa sa paksa ng ugnayan ay ang maging drug free ang bawat barangay na nasa EO #70 na may temang “Kasimbayanan”, at ang pagsugpo ng kriminalidad na kasangga ang bawat barangay

Naging saksi sa ugnayan sina P/Lt. Ferdinand Cayabyab, block commander ng MPD-Blumentritt Police Community Precinct ng Station 3, at P/Lt. Norman Marcos, hepe ng Station Community Affair Development Section (SCADS).

Dahil na rin sa direktiba ni P/Brigadier General Leo “Paco” Francisco, director ng MPD, na puksain ang masasamang elemento sa bawat nakasasakop na lugar, ay iisa ang kanilang layunin ni Villamor na ipagpatuloy ang pinaiiral na Station Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO), hindi lamang sa buong lungsod ng Maynila, kundi maging sa buong NCR. (RENE CRISOSTOMO)

189

Related posts

Leave a Comment