“YOU cannot wreak havoc with your convictions at the expense of the peaceful citizenry,” babala ni PNP-Zambales Provincial Director P/Col. Romano Cardiño matapos madiskubre ng kanyang mga tauhan ang nakaimbak na mga baril at bala ng New People’s Army.
Ayon kay Col Cardiño, matapos mapasuko ng kanyang mga tauhan ang isang aktibong kasapi ng communist terrorist group at isalang sa debriefing ay na-recover naman ang ilang baril at mga bala para sa iba’t ibang kalibre ng baril.
Bukod sa war materials, nasamsam din ng mga awtoridad ang ilang subersibong dokumento at supply ng pagkain ng mga rebeldeng komunista sa Sitio Lomibao, Brgy. Buhawen, San Marcelino, Zambales.
Sa maayos na pakikipag-usap ng local police ay kusang sumuko sa kanila ang isang Omar Alvaro Paanan at ibinunyag nito ang planong pagsalakay ng communist terrorist group na CPP-NPA-NDF Hukbong Gerilyang Larangan 3, Zambales Regional Party Committee sa police station ng San Marcelino.
Sinasabing ang grupong ito ang nakasagupa ng PNP-SAF sa bulubunduking bahagi ng Bataan kaya umatras sa Zambales.
Si Paanan ay kasapi ng PSRTG at nakatala bilang no.12 provincial level na miyembro ng communist terrorist group common Data Base sa Red Area at regular member ng Platun 2, Iskwad Tres sa ilalim ng Lino Blas Command, South Party Committee na kumikilos sa Zambales at Bataan area.
“The fight for nothing group” ganito kung paano ilarawan ni Col. Cardiño ang pagkilos ng rebeldeng grupo na nais ibangon ang wasak na imahe sa pamamagitan ng paghahasik ng karahasan gaya ng planong pag-atake sa nasabing police station.
Magugunitang noong Hulyo taong 2000 ay nakubkob ng CTG/CNN ang Palauig MPS at sinundan ng opensibang gerilya sa Botolan.
Noong Miyerkoles ay naglunsad ng focus police operation ang pinagsanib na pwersa ng 2nd Police Mobile Force Company (lead unit), sa pamumuno ni Police Major Rene Ligutan, FC PMFC, katuwang ang mga elemento mula sa 23rd PNP-SAF SAC, 70IB Bravo Company 7th ID ng Philippine Army, PIU Zambales at San Marcelino MPS, sa tulong ng impormasyong ng dating rebelde.
Pagsapit sa pinagkakanlungan ng mga rebelde bandang alas-12:00 ng tanghali ay wala nang inabutan pa ang mga tauhan ng gobyerno sa halip ay hinukay na lamang nila ang pinagtataguan umano ng mga armas.
Kabilang sa nakuha ng mga awtoridad sa hinukay na lugar na itinuro ng dating NPA, ang cal. 38 revolver without serial number; tatlong live ammunitions para sa cal. 38 revolver; limang live grenade launcher M203; tatlong magazine para sa cal. 45 pistol; dalawang bala para sa 12 gauge live ammunitions; at 47 piraso ng bala para sa cal. 5.56; subversive documents na ginagamit ng mga komunista sa paglaban sa gobyerno at assorted food supplies at hygiene kits na ginagamit ng nagkukutang mga rebelde.
Dagdag ni Cardiño, “We adhere to the directives of PNP Chief Guillermo Eleazar to account the rebels. Whatever these groups are fighting for is beyond my logic. I have sent specific directives to all my Chief of Police to address this matter. Our acquisition of some subversive documents is very crucial in our succeeding operations.
There is no better platform to serve our country than by doing our mandate the best way we could. I am a believer of a robust democracy where we can stand up for our beliefs, but it has to be within the boundaries of the law. Rest assured that PNP Zambales remains to be steadfast and dedicated in the midst of insurgency. ” (JESSE KABEL)
460 