BARMM ENGINEER NILIKIDA

PATAY ang isang inhinyero ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) matapos siyang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang gunman noong Martes sa Maguindanao del Norte.

Ayon sa inisyal na ulat, pauwi sakay ng kanyang motorsiklo si Engr. Romeo Livelo, naninirahan sa bayan ng Upi sa Maguindanao del Norte at nakatalaga sa MSSD Engineering Division, bandang alas-6:30 ng hapon.

Sinasabing dinikitan at binaril ang biktima ng unidentified gunman sa national highway sakop ng Sitio Tenorio, Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Del Norte.

Ayon kay Lt. Colonel Esmael Madin, hepe ng Datu Odin Municipal Police Station, kasalukuyang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek na mabilis na nakatakas sa crime scene.

Idineklarang dead on the spot ang biktima sanhi ng tama ng punglo sa ulo at katawan.

(JESSE RUIZ)

49

Related posts

Leave a Comment