TILA kailangan pang makatikim muli ng dalawang higanteng telcos ng pambabaston mula mismo kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil nangungulelat pa rin ang Pilipinas kahit sa Asya.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, ito’y sa gitna na rin ng kawalan ng pagbabago sa serbisyo ng dalawang telecommunication companies kahit sinabi pa ng NTC na nag-improve ang serbisyo ng mga ito at tumaas ang ranking ng Pilipinas sa trenta y kuwatro sa Asya kung pag-uusapan ay internet speed.
Aniya, ang masakit at hindi niya matanggap ay ang pagkumkumpara nito sa mga bansang kapareho ng estado ng ating ekonomiya gaya ng Vietnam na nasa pang-18 ang ranking habang ang Thailand ay nasa ika-walo.
At ang pinakamasaklap naman aniya at hindi katanggap-tanggap ay nauna pa sa Pilipinas ang Laos at Myanmar. (CHRISTIAN DALE)
232
