Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) ang P0. 7499 kada kWh na bawas-singil sa kuryente ngayong buwan kaya nasa P12.2628 kada kWh ang kabuuang rate para sa pangkaraniwang pamilya.
“Para sa mga tipikal na customer na kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan, katumbas ito ng P150 na bawas sa kanilang kabuuang bill. Ang bawas-singil ay dahil sa mas mababang generation at transmission charges,” ayon kay Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Meralco website (www.meralco.com.ph) o ang mga opisyal na social media account ng Meralco sa Facebook (www.facebook.com/meralco) at X (@meralco).
