Ikinagulat ng mga motorista nang makilala na si dating senador Bong Bong Marcos (BBM) pala ang umaalalay sa driver sa pagpapalit ng gulong ng sasakyan sa gilid ng highway patungong Vigan City sa Ilocos Sur.
Umani ng papuri sa social media ang nakitang kababaan ng loob ni BBM dahil sino nga naman ang mag-aakala na kaya pala niyang gawin ang gayung bagay.
Ilan sa mga nagkomento ang nagsabi na ipinakita lang nito na pinalaki silang disiplinado.
Para naman sa iba, pamana ng amang si dating Pres. Ferdinand Marcos ang pagiging humble at mahusay ni BBM.
