IBINIGAY ng Catbalogan City at iba pang parte ng Samar ang kanilang buong suporta para sa tambalan nina presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr at kanyang running mate na si Inday Sara Duterte.
Ito ang ipinakita ng mga Samarnons sa rally ng UniTeam nitong Biyernes matapos mapuno ang capitol compound ng lalawigan ng kanilang taga-suporta sa kabila ng malakas na ulan.
Libo-libong taga-suporta sa loob at labas ang nag-abang para sa UniTeam.
Nauna ng inendorso ni Samar Gov. Reynolds Michael Tan ang UniTeam at nanawagan sa kanyang mga nasasakupan na suportahan din sila.
Sa nasabing event ay ipinangako ni Tan ang winning margin na hindi bababa sa 100,000 para kay Marcos at Duterte.
Ayon sa datos, ang Samar ay mayroong 597,000 registered voters para sa 2022.
Pati ang mga grupo ng mga college students sa Samar State University ay nagpahayag din ng kanilang buong suporta sa UniTeam, anila pati ang kanilang mga pamilya ay suportado din si Marcos.
“Kahit ano pa sabihin nila against BBM, mas mataas pa rin siya sa rating sa mga surveys dito. Kami ng mga pamilya namin, solid ang support sa kanya at sa UniTeam,” sabi ng isa sa kanila.
Ayon sa isa sa mga barangay captain sa Catbalogan, 21 sa 24 na munisipalidad nila ay susuporta kay Marcos.
“Ang mga mayors ng halos lahat ng municipalities dito sumusuporta kay BBM. Sa 24 na municipalities, 21 ang supporter niya, tatlo lang ang sa kalaban,” sabi niya.
Kinumpirma rin ni Engr. Melvin Torres na kasalukuyang tumatakbong city councilor, na 57 barangays ay solid na Marcos supporters.
Nagpasalamat naman si Marcos sa napakainit na suportang binigay sa kanya ng mga Catbaloganons.
“Salamat sa inyong napakainit na salubong kahit na ang iba sa inyo ay kaninang umaga pa nandito hindi umaalis kahit sinisipon na dahil sa pagkabasa sa ulan at nasasaktan na ang iba. Ipaparating ko ito sa aking ka-partner. Kaya nung sinabi nung piloto ko na huwag na kaming tumuloy dahil sa masamang panahon, ang sabi ko ‘hindi maaari, dahil ang mga tao nagpapakabasa doon, hindi tayo iniiwan. Tumuloy kami dahil walang iiwan sa UniTeam. Kami ni Inday Sara, nagtutulungan, nagkakaunawaan at nagkakaisa,” sabi niya.
Hiyawan at sigawan ang maririnig sa mga taga-suportang sabik makita si Marcos.
“BBM” at “hindi kami bayad” ang kanilang sigaw.
“Tama ‘yan. Isigaw niyo ng malakas para marinig ng buong Pilipinas na ang Catbalogan and the rest of Samar are behind the UniTeam,” ayon kay Marcos.
161