FISH PORTS SA 11 COASTAL PROVINCES TARGET NI PBBM

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtatayo ng fish ports sa 11 coastal provinces sa bansa para matugunan ang mga hamon na kinahaharap ng mga mangingisdang Pilipino.

Binanggit ng Pangulo ang direktiba niyang ito sa isinagawang sectoral meeting, sa Palasyo ng Malakanyang, nitong Martes, Marso 14.

Ipinag-utos din ng Chief Executive ang rehabilitasyon ng 20 identified municipal fish ports na tinawag bilang traditional landing ports sa bansa.

Ang nasabing hakbang, ayon sa Pangulo ay naglalayon na bawasan ang post-harvest losses sa pamamagitan ng konstruksyon ng cold storage facilities sa fish ports sa buong bansa.

Ipinag-utos din ng Punong Ehekutibo sa mga ahensiya na magbigay ng small-scale fisherfolks ice-making machines at matinding pagsasanay, at mamahagi ng equipment upang maibaba ang post-harvest losses.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), kabilang sa mga hamon na kinahaharap ng fisheries sector ay ang mababang huli ng mga isda, mataas na poverty incidence at post-harvest losses, na sa kasalukuyan ay 25 hanggang 40% ang nawawala o nalulugi kasama na ang value chain.

Samantala, iprinisinta naman ng ahensiya sa Pangulo ang estratehiya para itaas ang fish production sa pamamagitan ng aquaculture ng 10% annually sa loob ng anim na taon para makapag-ambag sa food security. (CHRISTIAN DALE)

554

Related posts

Leave a Comment