MARCOS JR. ‘NAKURYENTE’ SA YOLANDA REHAB

MISTULANG nakuryente si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ituwid ng dating Housing chief ang kanyang mga impormasyon hinggil sa rehabilitasyon sa pinsalang dulot ng Bagyong Yolanda.

Matatandaang sinabi ni Marcos Jr. na wala namang ginawa ang mga nagdaang administrasyon pagdating sa ‘rehabilitation measures’ para sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda.

Sinabi ni Marcos na ang rehabilitasyon ay nagsimula 2 taon pa lang ang nakalipas, at wala namang ginawa ang mga administrasyon ng namayapang si Benigno “Noynoy” Aquino III at dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Even up to now, it’s up to the governors also… and even some of the officials hindi talaga pa tayo mag fully recover, di ko masasabi na naka fully recover na tayo sa Yolanda,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam.

Gayunman, sinabi ni dating Housing Chief Marcelino Escalada na posibleng mali ang ibinulong sa Pangulo.

“There was a misinformation on the part of the responsible persons giving information to our President Bongbong Marcos,” ayon kay Escalada.

Nasa 205,000 na bahay aniya ang target ipatayo sa kabuuan ng Yolanda Rehabilitation Program batay sa datos ng PNoy Administration.

Bawat bahay kasama ang lupa, ayon kay Escalada ay nagkakahalaga P290,000.

“Upon the leadership of former President Mayor Rody Duterte, umabot tayo ng more or less 160,000 ang ating naipatayo,” ani Escalada sa panayam ng SMNI News.

Pumalo sa P60-B ang pondong inilaan dito ng gobyerno.

Nakadisenyo ang Yolanda Housing Program bilang ‘deliverable’ o may bayad—batay sa naunang plano ng Aquino government.

Pero sa Duterte government, dapat libre ang mga pabahay dahil walang-wala ang mga biktima ng Bagyong Yolanda.

“So, walang binabayaran ‘yung mga tao awardees natin in the Yolanda Housing Project. And we started to distribute the titles to them during our time,” wika pa ni Escalada.

Dagdag ni Escalada, nasa 30,000 hanggang 40,000 na pabahay na lamang ang kailangang gawin ng Marcos Jr. administration para makumpleto ang Yolanda Housing Program.

At may apat na taon pa ang kanyang administrasyon para gawin ito.

“30,000 na lang of the 205,000 target. ‘Yung probably ang sinasabi niya na naumpisahan nila. Of course, umpisahan nila because that was the time within which ‘yung budget ng DBM was also released—in 2022, 2023, at saka 2024. But infairness to Pnoy administration and PRRD, onboard ako doon,” ani Escalada.

Kasabay nito, hinamon ni Escalada ang administrasyong Marcos na alamin ang sentimyento ng tao sa ginawa ng PNoy at Duterte admin para sa Yolanda victims.

58

Related posts

Leave a Comment