Netizens sa administrasyong Marcos Jr. ‘GOBYERNONG SHORTAGE’

KINANTYAWAN ng netizens ang pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang anila’y ‘gobyernong puro shortage’.

Ito ay matapos ang sunod-sunod na kakapusan sa bansa magmula sa bigas, asukal, sibuyas, at iba pang mga pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino hanggang sa pati na ang mga iniisyung ID at lisensya ay hindi na rin natutugunan ng mga ahensya nito.

Matapos ianunsyo ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Jose Arturo Tugade na kakapusin ang ahensya ng plastic cards dahil 147,000 na lamang ang nalalabi sa kanilang imbentaryo, agad pumalag ang mga netizen.

Kinalampag naman ni Senator Grace Poe ang LTO na magbigay sa publiko ng kumpletong report patungkol sa problema ng backlog sa mga plaka ng mga sasakyan at license cards para magkaroon ng klaro at kumpletong impormasyon ang publiko sa mga isyu na kinakaharap ng ahensya sa ngayon.

Hindi aniya uubra na palagi na lang sasabihan ng LTO sa mga motorista na mag-“DIY” o “Do It Yourself” na lang at puro band-aid solution lang ang iminumungkahi na naghahatid ng peligro sa seguridad at posibleng pag-abuso sa mga Pinoy.

Binigyang diin ni Poe na binabayaran ng motorista ang plaka at lisensya kaya hindi katanggap-tanggap na sa huli, ang solusyon ay papel na kanya-kanya ang imprenta.

Naglabasan din sa social media ang mga larawan ng pina-laminate na inimprentang papel na lisensya at ginawa pang malaking ID ng iba para ipakitang katawa-tawa ang nangyayari sa LTO.

Kantyaw pa ng netizens, sa gobyerno ni BBM ay tila kontrobersya, problema at korapsyon ang walang shortage.

Narito ang ilan sa mga hinaing ng netizens sa Twitter:

Rodolfo:
SHORTAGE sa bigas, shortage sa asukal, shortage sa manok, shortage sa itlog, shortage sa sibuyas at ngayon naman shortage sa plastic cards. Sobrang dami kasi sa gobyerno natin ang may shortage sa utak, e.

mitsukikun:
Duhh top 1 sa gdp forecast. Thank you bbm. Emsss

Reggie Gazmen:
HOW MUCH SAVINGS WILL BE REALIZED BY ISSUING PAPER LICENSES? WE NEED MORE MONEY FOR THE POOREST OF THE POOR.

Optimus:
May shortage pa raw sa kupit.

Kurama:
Kalokohan talaga nitong mga taga LTO, lahat naman ng nag rerenew at kumukuha ng lisensya eh nagbabayad, paano magkaka shortage s plastic? Ang mahal n nga ng singil tapos papel lng ibibigay, ginagago n talaga tayo ng gobyernong to! Wala n talagang pag asa ang Pililinas kong Mahal.

Dadick:
Tumpak. Pinamumunuan tayo ng mga bobo, balahura,at sakim.

MikeMark:
focus daw kasi yung budget sa confidential funds, vlogging funds, and international vacation funds. panalo naman daw sila eh. deserve daw nila yun. wala daw share.

Candy Palace:
Ang mahal ng bayad para makakuha ka ng lisensya, pipila ka pa, tas papel lang pala. Yan ang Pinoy.

ErwinC:
At pinagyayabang nila na mataas ang ratings nila sa survey, bwahaha. Duh? Dami nila niloloko or siguro dyan napupunta confidential funds haha.

Bing Acuna:
Walang shortage sa gobyerno na ito ay issues, controversies, problema at corruption…

Kimbags:
Prelude to importation of plastic raw mats…busog na naman ang kaibigan ni madam!

hellothere22
Shortage sa supply ng kuryente, shortage sa mga taong ginagamit ang isip…kaya tuwing eleksyon mga gago ang pinipili. Tapos lugmok buong bayan.

telege-beh:
Basta mas madami silang budget sa concert at travel paki daw nila sa id cards at license basta sila hayahay buhay sabi ni bato

Dre:
pero walang shortage sa gastos ang gobierno.

dondonLee:
Add mo pa shortage ng kuryente…may mga brownouts na lalo na sa Mindoro…galaw galaw naman lalo na yung may malalaking confidential funds…..

eveninglight:
Sobrang walang foresight nyan…sa magkano nnaman ba

Ben B.
shortage ng utak

Rizaldy:
Pero sa kurakot nila, walang shortage. Hahahaha!!!

Sabatero:
Sana next ay Shortage ng tenure sa office ng mga politicians

David D’Angelo:
Shortage sa matitinong public officials.

jj.palabay:
Pero sure tayong walang shortage sa out of the country at pa-piging sa malacañang

litodiwa:
Short o pandak kasi yung adviser ni BBM

Mixed Nuts:
Shortage sa utak & public service. Sarili lang isip : confi funds. May pera para sa sarili wala sa bansa . Ironically they spend our taxes.

Pea Em:
Pero walang shortage sa KABOBOHAN.

mrin29:
pero walang shortage sa trolls

Felamag:
Lahat na lang may shortage, sa magnanakaw na lang sagana ang gobyerno.

wingedman:
uy sorry! wala silang shortage sa pag party party!
at nagpapagawa pa ng multi-million na resort si madam ni tax evader.

159

Related posts

Leave a Comment