NAIS na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makakita ng mga natapos ng housing units na itinatayo sa ilalim ng housing project ng kanyang administrasyon na Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Program o 4PH.
Sinabi ng Chief Executive, kanya nang inaawitan si Department of Human Settlements and Urban Development secretary Jerry Acuzar hinggil dito.
Winika ng Pangulo kay Acuzar na sana ay dalhin naman siya sa housing project ng pamahalaan na doon ay makikitang may naitayo nang mga unit ng 4PH pabahay.
Sinabi pa ng Pangulo na sa susunod ay nais niyang makabisita sa proyektong pabahay hindi lamang para sa ribbon cutting kundi para makapag-inspeksiyon na rin sa mga natapos ng yunit ng housing project.
Samantala, batay naman sa datos na ibinigay sa Punong Ehekutibo, nasa 1.2 milyon na ang nasimulang gawin magmula nang ilunsad ang proyektong mabigyan ng sariling pamamahay ang may 6 milyong Pilipino.
Samantala, sinabi ni Marcos Jr. na indikasyon ang pagdami ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund na sadyang maraming Pilipino ang may interes na magkaroon ng sariling bahay.
Ayon sa Pangulo, may market ang pabahay at tama lang aniya na tinutugunan ng gobyerno ang problema ukol sa kakulangan sa bahay ng mga Pilipino.
Sa harap nito’y binigyang diin ng Chief Executive na palalawakin pa ang proyektong pabahay ng kanyang administrasyon at marami pa siyang pupuntahang mga lugar sa bansa. (CHRISTIAN DALE)
509