PRESYO NG MGA BILIHIN PINAKOKONTROL

UMAPELA ang isang mambabatas sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magpatupad na ng price control sa gitna ng patuloy na paghina ng piso kontra dolyar.

Kasabay nito, nanawagan din si Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa taumbayan na suportahan ang pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura sa bansa na isa sa pangunahing programa ng administrasyon.

“Being a net importer of food and fuel, our country stands to face steeper oil and commodity price shocks with the continued peso depreciation. Dapat na agarang itaguyod ang price control sa mga batayang bilihin tulad ng mahigpit na pagpapatupad ng price ceiling,” ani Brosas.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos umabot sa P56=USD1 ang exchange rate kahapon na indikasyon na humihina ang piso kontra dolyar na inaasahan makakaapekto nang husto sa mga pangunahing bilihin.

Ipinaliwanag ni Brosas na dolyar ang ginagamit sa pag-angkat ng imported goods partikular ang produktong petrolyo at agricultural products kaya tiyak na iindahin ng mamamayan ang paghina ng piso.

Upang maiwasan aniya ito, kailangang bawasan muna ang pagsandal sa ibang bansa sa pagkain at iba pang pangunahing bilihin at sa halip ay tulungan ang gobyerno sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura.

“This volatile situation also reminds us to reduce the dependence on agricultural imports and other imported commodities. Dapat na suportahan ang tunay na paglinang sa domestic agriculture at pagtatayo ng national industries,” ayon pa sa mambabatas.

Si Marcos ang kasalukuyang namumuno sa Department of Agriculture (DA) at isa sa misyon nito ay mapaunlad ang sektor ng agrikultura at madagdagan ang produksyon partikular na sa palay at mais. (BERNARD TAGUINOD)

69

Related posts

Leave a Comment