Presyo ng sibuyas hindi maibaba BBM NANGANGAMOTE BILANG DA SECRETARY

(CHRISTIAN DALE)

HINDI pa rin masolusyunan ng Department of Agriculture (DA) ang pagtaas ng presyo ng sibuyas sa kabila ng ikinasang importasyon kamakailan.

Ang DA ay pinangangasiwaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang pansamantalang kalihim.

Ayon sa DA, pinag-aaralan nito ang lahat ng opsyon kabilang na ang posibilidad na mag-angkat para mapababa ang presyo ng sibuyas.

Sa isang panayam, sinabi ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista na nakikipag-ugnayan na sila sa onion farmers para matukoy kung paano nila maibababa ang farm gate price, na kasalukuyang nasa P100 hanggang P120 kada kilo.

“Medyo mataas talaga ang ating farmgate price ngayon. Tinitignan natin kung paano, kung pwede talagang i-peg na lang sana sa P100 [per kilo] ang farmgate kung saan nakabawi na ating mga magsasaka, may margins na sila,” ayon kay Evangelista.

Aniya pa, kailangan din i-monitor ng DA ang “inflow and outflow” ng onion stocks sa cold storage facilities, at i-check ang mga daungan, ports at pamilihan para idetermina kung mayroong ipinagbibili na smuggled onions.

“Sa ngayon, wala naman tayong nakikitang imported na mga sibuyas. Pero all the angles are being looked into para we are working on bringing down the price of onions para sa ating consumers,” ayon kay Evangelista.

Ayon naman sa Bureau of Plant Industry (BPI), ang suplay ng pulang sibuyas sa bansa ay sapat at magtatagal ng hanggang Nobyembre habang ang puting sibuyas ay magtatagal ng hanggang Setyembre.

Nauna rito, nanawagan ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa gobyerno na mag-angkat ng puting sibuyas sa Hulyo para makaiwas sa posibleng kakapusan at pagtaas ng presyo.

Para naman sa pulang sibuyas, sinabi ng grupo na ang importasyon ay maaaring gawin “on a later time.”

Ani Evangelista, kinokonsidera ng DA ang pag-angkat ng commodity para mapatatag ang presyo.

“Siyempre, kailangan nating ma-maintain ang supply. At the same time, we will check ‘yung supply, nakakarating mismo sa palengke. ‘Pag ito ay sapat, ang presyo natin ay magiging stable,” anito.

Matatandaang ipinanawagan na noong isang taon ng grupo ng mga magsasaka ang pagbibitiw ni Marcos Jr. sa DA dahil sa hindi masolusyunang problema sa pagkain.

142

Related posts

Leave a Comment