PINANGUNAHAN ni Southern Leyte Governor Damian G. Mercado at iba pang mga opisyal ng lalawigan ang paglagda ng ‘statement of support’ nitong Sabado para ipakita na buo ang kanilang suporta sa tambalan nina presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at running mate niya na si Inday Sara Duterte.
Kabilang sa lumagda si Vice Governor Coco Yao na ngayon ay tumatakbong congressman ng 2nd district ng lalawigan, at si Maasin City Mayor Nacional ‘Nikki’ V. Mercado.
Kasama din sa pumirma ang walong board members , mga municipal mayors at representante ng dalawang distrito ng lalawigan.
Nakasulat sa ‘statement of support’ na naniniwala ang mga opisyal sa tambalan nina Marcos at Duterte at magpapatuloy sa magandang sinimulan ni Presidente Rodrigo Roa Duterte sa lalawigan.
“We believe that this ticket will best represent our collective interest in continuing the legacy of President Rodrigo Roa Duterte and the many great things his administration has accomplished,” ayon sa mga opisyal.
Sinabi nila na gagawin nila ang lahat para maipanalo ang tandem ni Marcos at Duterte sa kanilang lalawigan at nangakong 100% ang ipakikitang suporta dahil ang dalawa lang aniya ang may kakayahan na mamuno at pagkaisahin ang bansa.
“We will do everything for this tandem to win. We will give our 100% full support to Marcos and Duterte for they can lead and unite the country,” sabi pa nila.
Dagdag pa nila na ang BBM-Sara UniTeam ang natatanging halimbawa na kailangan ng bansa para matupad ang mga pangarap at inaasam na kaunlaran.
“This is the team that epitomizes the kind of leaders we need to help us fulfill our dream and hopes for our country,” dagdag pa ng mga opisyal.
Pinirmahan ang naturang statement of support ngayong Sabado, April 9, 2022 sa Maasin City, Southern Leyte.
78