INILAGAY si Washington Wizards All-Star guard Bradley Beal sa COVID-19 health and safety protocols sa Team USA camp, ayon sa The Athletic and Associated Press report.
Kinumpirma nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila) ng USA basketball na may isang player na inilagay sa protocols, pero hindi binanggit ang pangalan ni Beal.
“A member of the USA Basketball Men’s National Team has been placed under USA Basketball’s health and safety protocols,” official statement ng team.
Nakatakda sa Hulyo 25 ang Olympic debut ng Team USA at walang linaw ang status ni Beal.
Hindi rin malinaw kung nagka-COVID-19 si Beal o na-expose ang player sa taong positibo sa virus.
Nagti-training ang US squad sa Las Vegas, lumaro at nanalo laban sa Argentina noong Martes, kung saan lumaro si Beal at pareho sila ni Kevin Durant na may 17 puntos sa 108-80 win.
Sa tatlong exhibition matches ng USA ay sinandalan ng team si Beal, kasama sina Durant at Damian Lillard.
Maaari pang palitan ng USA Basketball si Beal bago ang Tokyo Games. Noong nakaraang buwan pinili ang 12-man team at may nakasaad na, ‘it may change if necessary.’
Sa loob ng training camp sa Las Vegas, ang mga player (pati na kanilang pamilya) ay araw-araw sumasailalim sa COVID-19 test. Pati ang pagsusuot ng face mask ay ipinatutupad din sa camp. (VT ROMANO)
166
