BULILYASO ang dapat sana’y puno ng siglang party-party makaraang masabay ng mga operatiba ang hindi bababa sa P8.5 milyong halaga ng ecstasy sa Port of Clark sa Pampanga kamakailan.
Arestado rin sa isinagawang controlled delivery operation ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug
Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang babaeng suspek na kinilalang isang Ana Fe Morilla alyas Jonah Ileve na dinakip sa kanyang tahanan sa Las Piñas City.
Sa tala ng kawanihan, lumalabas na idineklarang mga ilaw ang bagaheng lumapag sa Port of Clark noong Disyembre 3 mula sa Brussels, Belgium.
Sa isinagawang imbentaryo, may kabuuang 4,970 tabletas ng ipinagbabawal na party drugs ang nakumpiska sa nasabing operasyong inilunsad matapos mabuko ang laman ng bagaheng ipinadaan sa mga makabagong x-ray machine na binili ng kawanihan kamakailan.
Kasong paglabag sa Section 4 (Importation of Dangerous Drugs) ng Republic Act 9165 si Morilla na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng PDEA.
Sa tala ng kawanihan, aabot na sa halagang P53.5 milyong droga ang nasabat sa Port of Clark mula Enero ng kasalukuyang taon.
Pagtitiyak naman ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, Malabo nang makalusot ang mga pagpupuslit ng ipinagbabawal na gamot sa 17 pasilidad na mayroon nang kakayahang kilatisin lahat ng mga kargamento at bagahe gamit ang kanilang mga modernong kagamitan.
98