BEBOT TININGGA SA KALSADA

DEAD MAN

PATAY ang isang 36-anyos na babae makaraang pagbabarilin ng hindi pa tukoy na bilang ng armadong mga lalaki sa Quezon City nitong Sabado.

Dead on the spot sa lugar ng pananambang ang biktimang kinilalang si April Sanchez, residente ng Barangay Payatas B sa lungsod.

Ayon sa inisyal na report ng Police Precinct 6, nasa gilid ng San Diego Elementary School si Sanchez at may kausap sa kalsada nang hintuan ng apat na lalaking pawang sakay sa dalawang motorsiklo.

Isa sa mga suspek na angkas ang bumaba sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.

Nabatid sa imbestigasyon, si Sanchez ay nakulong na dahil sa isang kaso at hindi naman batid ng kanyang kaanak kung may kaaway ito.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nasabing insidente. (JG TUMBADO)

277

Related posts

Leave a Comment