BELLO, INUPAKAN SA D.O. 215

INUPAKAN ng Partido Manggagawa (PM) si Labor Secretary Silvestre Bello III dahil sa paglalabas nito ng kautusang nambabastos sa batas – paggawa.

Ayon sa PM, ang Department Oder No, 215 na nagpapalawig sa “forced leave o floating status” hanggang isang taon ay tahasang bumabangga sa Artikulo 310 ng batas-paggawa.

Ipinaalala ng PM kay Bello na mali ang sinabi nitong “silent” ang Artikulo 310 sa isyung forced leave at floating status ng mga manggagawa kung suspendido ang operasyon ng kumpanya.

Malinaw sa nasabing probisyon ng batas-paggawa na bawal ang forced leave at panatilihin sa floating status ang mga manggagawa pagkatapos ng anim na buwan, birada ng PM.

Kaya, nanawagan ang PM kay Bello na bawiin nito ang D.O. 215.

Iminungkahi ng PM sa kalihim na ipasa sa National Tripartite Industrial Peace Council (NTIPC) ang kanyang plano upang ang huli ang magpasya.

Ang NTIPC ay binubuo ng mga kinatawan ng Department of Labor and Employment (DOLE), mga negosyante at manggagawa kung saan tinatalakay at pinagpapasyahan ang anomang isyung apektado ang tatlong sektor. (NELSON S. BADILLA)

147

Related posts

Leave a Comment